MAYNILA — Napapanahon nang magkaroon ng isang opisyal na national organization para sa vloggers, iginiit ni Sen. Raffy Tulfo ngayong Lunes.
Aniya, hindi kasi tulad ng mga traditional media na may “accountability” at “checks and balance”, may ilang vloggers na basta lang nagpo-post sa social media nang walang pinagdadaanang proseso.
“Marami ding independent vloggers na responsible… That’s siguro it’s about time — I don’t know if this needs legislation — na magkaroon po ng ‘Kapisanan ng mga Vloggers sa Pilipinas’ or something to that effect na para magkakaroon ng policing, na para maging responsable na sila. Hindi iyong sa ngayon e may kanya-kanya sila,” ani Tulfo.
“Marami nga dyan na mga vloggers na sumusunod sa code of ethics, sa tamang pamamaraan para ilabas mo iyong istorya… Pero meron pa rin talaga dyan mga ‘guerilla’, na talagang 'pag umupak, upak lang without thinking of the consequences because walang nagre-regulate sa kanila,” dagdag niya.
Jail time para sa mga bwakanang enang pranks na yan.